Kailan nga ba nagsimula ang akusasyon sa mga Katoliko na umano ay sumasamba sa mga Rebulto at Larawan at ng sa gayon, ito ay nagiging kanilang mga dios-diosan?

By: Terrence Gil Relucio

Kung babasahin lamang ng mainam ang Bibliya, mapagtatanto na ng mga Anti-Katoliko na mayroon ngang pagsamba sa dios-diosan ngunit hindi mga Katoliko ang mga gumawa nito kundi ang mga Israelitang mapagkalunya . Mababasa sa lumang tipan ang kapahayagan ukol sa gintong Baka na minsan ng sinamba ng mga Israelita habang wala sa presensya nila si Moses.

Exodus 32:1-4
1Nang mainip ang mga tao sa tagal ni Moises na bumaba ng bundok, nagtipon sila kay Aaron at sinabi, “Igawa mo kami ng dios. Ito rin ay nasa mga talatang na mangunguna sa amin, dahil hindi natin alam kung ano na ang nangyari kay Moises na naglabas sa atin sa Egipto.”

2Sumagot si Aaron, “Kunin nʼyo ang mga hikaw na ginto na suot ng mga asawaʼt anak ninyo, at dalhin ninyo sa akin.”
3Kaya kinuha nilang lahat ang gintong mga hikaw at dinala ito kay Aaron. 4Tinipon ni Aaron ang mga ito tinunaw, at hinugis na baka. Sinabi ng mga Israelita, “Ito ang dios natin na naglabas sa atin sa Egipto.”

Nagpatuloy ang iba’t ibang uri ng pagsamba sa mga larawan at imahe ngunit sa pagkakataong ito ay yaong larawan at imahe ni Yahweh maliban sa mga altar at estatwa o rebulto ng mga dios-diosang pagano.

Isang kaganapan ng pagtuligsa at pagsira sa mga Imahe na may koneksyon kay Yahweh ay yaong bronzeng ahas na ipinagawa niya kay Moses na minsan ng ginamit upang maging daluyan ng grasya ng paggamot na kung sino man ang tumingin dito ay mapapagaling sa kagat ng ahas na siyang minsang pinadalang salot ni Yahweh. Si Haring Hezikiah naman angpasira ng bronzeng ahas kalaunan sapagkat ito ay piniling maging dios ng mga Israelita.

Numbers 21: 5-9

5At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka’t walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito.

6At ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay. 7At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka’t kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan. 8At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa’t taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon. 9At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,

2 Hari 18:4

“4Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera: at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka’t hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel; at pinanganlang Nehustan”.(Ref:http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Iconoclasm)

Sa panahon naman ng mga Hudyo at nang unang mga taon ng pagsibol ng sekta ng Kristiyanismo sa Herusalem ng nuo’y nasa ilalim pa ng pamumuno ng mga Paganong Romano ay ating mapagtatanto na kahit sila, mga Hudyo, ay namumuhi sa mga rebulto at estatwa ng mga paganong Romano. Ito ang ulat ni Flavius Josephus na naitala sa kasaysayan:

“During the Machabean period, however, there was a strong feeling against any kind of representation of living things. Josephus tells the story of Herod the Great: “Certain things were done by Herod against the law for which he was accused by Judas and Matthias. For the king made and set up over the great gate of the temple a sacred and very precious great golden eagle. But it is forbidden in the law to those who wish to live according to its precepts to think of setting up images, or to assist any one to consecrate figures of living things. Therefore those wise men ordered the eagle to be destroyed” (“Antiq. Jud.”, 1. XVII, c. vi, 2) (Ref:http://www.newadvent.org/cathen/07664a.htm )

Ganito din ang naging testimonya ni Tacitus (A.D. 54-119)
“The Jews worship one God in their minds only. They hold those to be profane who make images of the gods with corruptible materials in the likeness of man, for he is supreme and eternal, neither changeable nor mortal. Therefore they allow no images (simulacra) in their cities or temples” (Hist., V, iv).

Ngunit sa kalauna’y nagbago ang kaisipan ng mga Hudyo ukol sa mga dekorasyon ng mga larawan, pinta, skulptura at samu’t saring anyong guhit na kumakatawan sa kabanalan ng lumikha. Sila ay aminadong may iisang Diyos na lumikha at Banal at mas nakahihigit, ngunit dulot na lamang ng impluwensya ng mga Romano, ang pagpapahayag ng pananampalataya at pakikipag-ugnayan sa Diyos na di-nakikita, naging katanggap-tanggap na din sa kanila ang mga pisikal na representasyon ng mga bagay-bagay ukol sa mga banal at sa kagandahan ng sanlibutan na likha ng Maykapal.

“Many other examples of carved figures on sarcophagi, wall paintings, and geometrical ornaments, all in the manner of Pompeian decoration and the Christian catacombs, but from Jewish cemeteries, show that, in spite of their exclusive religion, the Jews in the first Christian centuries had submitted to the artistic influence of their Roman neighbours. So that in this matter when Christians began to decorate their catacombs with holy pictures they did not thereby sever themselves from the custom of their Jewish forefathers. (Ref:http://www.newadvent.org/cathen/07664a.htm)

Kasaba’y ng tradisyon ng paguukit at paggawa ng mga banal na imahe at rebulto ng mga sinaunang kristiyano Katoliko ay ang mga Hudyong kahit sa kanilang mga SARCHOPAGUS at CATACOMBS ay naroon ang mga depiksyon ng kabanalan ng Lumikha. Sa pagpasok lamang ng 7th and 8th century AD, habang yumayabong ang katolisismo sa kaparehong panig ng Kanluran at Silangang Europa (Byzantine), ay dito lamang nagsimula ang istriktong pang-uusig sa mga katolikong nagmamahal at nagbibigay-respeto at pagkilala (Appreciation) sa mga banal na larawan at imahe. Isa sa mga kilalang ICONOCLAST o siyang nagpautos ng pagsira sa mga larawan at imaheng banal ay si Emperor Leo III ng Byzatine Empire.

Ayon sa pagsasaliksik, parte ng rason ng pagsira sa mga larawan at imahe ay ang impluwensya sa kanya ng kaisipang Islam ukol sa IDOLATRIYA at dulot na din ng pag-atras ng kanyang hukbong militar sa sagupaan sa mga muslim at pagsabog ng isang Bulkan sa isla ng Thera (Turkey) na kanyang ininterpreta bilang siyang GALIT ng Diyos sa ‘umanoy’ Idolatriya ng mga Katolikong Kristiyano.

Alinsunod dito ay pag labas ng kautusan noong 730 A.D. upang tuluyang sirain ang mga Rebulto at estatwa at maraming bagay-bagay na may kaugnayan sa di umano’y Idolatriya.

“Some of those assigned to the removal of the icon were killed by a group opposed to this action, known as iconodules (lovers of icons). Undeterred, Leo forbade the worship of religious images in an edict 730. His agents confiscated much church property, including not only icons and statues that were objects of veneration, but also valuable plate, candlesticks, altar cloths, and reliquaries that were decorated with religious figures. The edict did not apply to the creation of non-religious art, including the image of the emperor on coins, or to religious symbols that did not portray holy persons, such as the Cross without the image of Christ upon it”. (Ref:http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Iconoclasm)

Kaya’t kung susuriin lamang ang kasaysayan ay mapagtatanto na ang “Pag-aakusa sa mga Katolikong Kristiyano ng Idolatriya o pagsamba sa mga imahe o larawang inanyuan” ay una nang nagmula in strictly historical sense sa mga MUSLIM.

Ito ay akusasyon ng mga taga-sunod ni Mohammad na namana ng karamihan ng mga Protestante at samu’t saring Anti-katoliko pagdating ng ika-16 na siglo sa panahon ng Reformation. Wala ng iba sa kanilang akusasyon sapagkat ito ay una, ginaya lamang at ikalawa, ‘recycled’. Ngunit kyung babalikan lamang ang kasaysayan, mapag-aalam ng mga tumutuligsang protestante na minsan ng nasagot ng Simbahang katolika ang panunuligsa batay sa kasalanan ng Idolatriya sa Ikalawang Konsilyo ng Nicea noong 787 AD.

Kung saan ang prominenteng tagapagtanggol sa panig ng simbahan ay si St. John ng Damascus.

“I make an image of the God whom I see. I do not worship matter, I worship the God of matter, who became matter for my sake, and deigned to inhabit matter, who worked out my salvation through matter” (https://www.christianhistoryinstitute.org/study/module/john-of-damascus/).