ANO BA ANG IBIG-SABIHIN NG “ACTUAL GRACE”?

Maikling sanaysay ni Terrence Gil Relucio

Maraming depinisyon ang salitang grasya ngunit ang simpleng depinisyon ay yaong tumutukoy sa pagiging kaloob o regalo buhat sa mabuting kalooban ng Lumikha sa kanyang nakabababang nilalang gaya ng Tao.

Sa pagkakataong, naaani ng tao ang kaloob na ito ay nakikita ang partisipasyon niya sa kaparaanan at intension ng Diyos na ang kahahantungan ay walang iba kundi ang estado ng Kabanalan na may obhektibong kasusumpungan, ang Makita ang Diyos sa isang supernatural na estado at aktibidad.

Catechism of the Catholic Church, Definitive Edition

1997“Grace is a participation in the life of God. It introduces us into the intimacy of Trinitarian life: by Baptism the Christian participates in the grace of Christ, the Head of his Body. As an “adopted son” he can henceforth call God “Father,” in union with the only Son. He receives the life of the Spirit who breathes charity into him and who forms the Church”.

2003 “Grace is first and foremost the gift of the Spirit who justifies and sanctifies us. But grace also includes the gifts that the Spirit grants us to associate us with his work, to enable us to collaborate in the salvation of others and in the growth of the Body of Christ, the Churh.”

Habitual Grace vs. Actual Grace

Habitual Grace: Ito ang grasya na umuukol sa permanenteng kalidad ng kaluluwa sa kanyang kabanalang estado upang maging kalugod-lugod sa Diyos. Ang buhay ng mga Santo at nakakaranas na maging santo ay nasa ganitong estado.

Actual Grace: Ito ang grasya na nagmumula sa espesyal na pakikipag-komunikasyon ng Diyos sa temporaryong paraan upang mai-udyok ang kaluluwa bilang makilala ang Diyos sa kanyang kabanalan o kapangyarihan at upang maihatid at maiprepara ang kaluluwa ng tao sa ikaka preserba o sa ikadagdag ng grasya pa kalaunan. Dito mo makikita ang kaparaanan ng Diyos kahit walang udyok at partisipasyon ang katawan ng Tao bago pa man mangyari ang pagiging gising o pagkakaroon ng kamalayan ng spirituwal na sensualidad.

Ang maling katuruan ng Pelagianism ay direktang nagpapasubali sa komunikasyon at kalooban ng Diyos upang mahipo ang tao sa kanyang kamalayan sa pagpapabanal. Ito ang heresiya na nagpapahayag na ang kasalanang mana buhat sa pinaka-unang magulang ay hindi nagdulot ng mantsa sa Naturalesa ng tao. Sa gayon, hindi kailangan ng Tao ang espesyal na pakikibahagi ng Diyos sa anumang ikapagbabalik ng supernatural na estado ng Katauhan. Sa striktong pag-iisip ang pagkamatay ni Kristo Hesus sa Krus ng kalbaryo ay hindi isang ‘meritorious grace’ kung susundin ang ganitong kaisipan.

Si St Agustine ang prominenteng tagapagtanggol ng parte ng simbahan na ipinaglaban ang katotohanan na ang Diyos ay may bukas-kaloobang partisipasyon sa ikapagbabago ng Tao, sa ikatutuwid ng kanyang kaluluwa kung kanyang nanaisin.

2 COR 3:5 “Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios”

1 cor 3:6 “Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; nguni’t ang Dios ang siyang nagpalago”

Ayon din naman kay San Pablo, ang ating kakayanan upang ibahagi ang ebanghelyo ay hindi magiging produktibo kung ang Kamalayan sa grasya na nagmumula sa Diyos ay hindi kikilalanin at idaragdag sa ating natanggap na kamalayan mula sa mga bagay-bagay ukol sa kaligtasan at kay Hesus. Ang kooperasyon natin sa pamamagitan ng ating Karunungan mula sa kalooban ay isang importanteng kapasyahan na nakakatulong sap ag-abot ng permanenteng estado ng grasya o kabanalan (Sanctifying grace)

JUAN 15:5 “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka’t kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa”.

EFESO 1:17-19
“Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya; 18Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal, 19At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas”.

Kaya nga’t ang karunungan ay hindi nakaka sapat upang mabago ang isang kaluluwa. Mayroon pa ring pangangailangan ang kaluluwa ng tao upang maka batid sa lubos at kapuspusan ng kabanalan ng Diyos. Sa inisyatibo o paunang udyok ng aksyon ng Diyos sa kanino man ay naroon ang pangangailangan na mapanatili, maitaas at mapagtibay ang kalooban (Will) at takbo ng isip ng tao (Mode of intellect) sa kanyang ikapagbabanal. At sa gitna ng pagka tanggap ng grasya ay ang kaakibat ng pagpapatuloy sa pagtakwil ng kasamaan at pag-akay ng lubos sa kabutihan. Ganito na lamang ang kawikaan ni St. Agustine ukol sa mga nasa estado ng Kbanalan ngunit naroon pa rin ang pangangailangan ng patuloy na grasya ng Diyos.

“Even as the eye in the body, thought, it be entirely healthy, cannot see, if it is not assisted by the brilliance of the light, so also man, even if he is entirely justified, cannot live rightly if he is not assisted by the light of the eternal justice of God” ( De nat. et. grat. 26,29)

Referrences:
http://www.vatican.va/…/ccc_…/archive/catechism/p3s1c3a2.htm
Catechism of the Catholic Church
Fundamentals of Catholic Dogma by Dr. Ludwig Ott
https://en.wikipedia.org/wiki/Pelagianism
http://www.newadvent.org/fathers/1510.htm