Ito ung kumakalat at nag viral na vídeo kung saan sinasabi na nagkagulo daw ang mga kapatid sa pagkain according sa post. Oh yung mga magagaling na nagcomment dyan na akala mo katitinong tao…eto basahin nyo ang banat ko sa inyo…

Unang nag salita ang mga kapatid na nandoon mismo sa lugar na yan nung mga sandali na yan. Walang kumuha ng pagkain sa mga kapatid, at kusang binuksan ng may ari ng bahay ang kanilang gate upang makapasok ang mga kapatid na naiipit na sa labas upang makahinga sila, ganun din para makalagos ang ibang mga kapatid. Pero sa isang post sa CNN Philippines ay kusang pumasok daw ang mga kapatid sa bahay na mayroong event na nangyayari sa loob, kumuha daw ng pagkain ang mga kapatid at nagkagulo, inapakan daw ang mga tables at kung ano ano pa.

Ngayon nagsalita na ang mismong may ari ng bahay na deboto din ng Mahal na Seńor. Ang sabi nila ay kusa nilang binuksan ang gate ng kanilang bahay para makalagos ang lahat sa maluwag na espasyo at bukal sa loob nila ang kanilang ginawa.

Eto ngayon ang masasabi ko sa tarantadong mamamahayag na nag post nito sa CNN Philippines at sa mga nagcomment dyan na masyadong magagaling laban sa mga kapatid. The best kayong lahat. At sa loko lokong reporter o journalists na to ng CNN Philippines…Siraulo ka, wag kitang makikita sa daan at mapapahiya ka. Napaka iresponsable at bastos na mamamahayag.

Una sa lahat walang nakakapigil sa lubid dahil alon ng tao yan, kahit mismo ang mga kapatid na nakasalang sa lubid eh walang control sa sariling kilos nila dahil malakas ang pwersa ng lahat. At dadalhin ka nyan kung saan ka dadalhin dahil parang alon ng tubig yan na hindi napipigilan. Kaya nga may sinasabing agos lang mga kapatid! Agos lang! Pinasusunod lang ang mga kapatid kung saan ka dadalhin ng pwersa dahil makakalabas at makakalabas ka rin sa dagat ng tao basta wag kang sasalungat sa agos ng pwersa ng tao. Kung hindi ninyo alam yan, wala kayong karapatang magsalita ng dahil lang sa nakita nyo sa TV. Experience the Traslacion, ilagay nyo mismo ang sarili nyo sa dagat ng tao para malaman at maintindihan nyo ang Traslacion, hindi ung puro kayo daldal mga duwag naman kayo sa totoong buhay. Kung gaano kagulo sa tv tignan ang Traslacion, sa totoong buhay, kaming mga sumasalang sa lubid at ang lahat ng kapatid sa sumasama sa Traslacion ang nakakaramdam ng tunay na kapatiran ng lahat sa gitna ng matinding gulo. Ang Poong Ama at Mahal na Señor na ang bahala sa inyo.

Mabuhay ang a Nueve ng Enero! 
Mabuhay ang Traslacion ng Mahal Señor! 
Viva El Señor!