How to be an Ideal Catholic Faith Defender By Tom Diossua Balbalosa Banton
#CFDstarterpack101

Are you a Defender of the Catholic Faith? I bet you are. Obviously you are reading my Article about being an Ideal Catholic Faith Defender.And I think there are also some Heretics who are reading my Article for some of their so called “Catchy Info”. A form of SpyingSettle in, Because im about to Empower your Catholic Faith and be a “True Catholic Faith Defender”

Before I start, gusto kong itanong kung Paano ka nagstart mag Defend ng Catholic Faith?

Well ako? Way back when I was in Grade 10, Wala pa akong alam diyan sa mga Religious Things na yan. I was born and raised Catholic but wala akong alam sa mga bagay-bagay. Umiikot ang lahat sa mga katagang “Respeto nalang oh?”

Until one Day, I was intrigued by my INC and Born-Again friends about that “Rebulto Thing”. It is clear to me na hindi naman natin sinasamba ang mga rebulto pero wala akong masagot through biblical perspective. I was horrified and triggered by that moment. Wala akong magawa kundi makinig sa mga tawa nilang halos magdiwang habang nilalampaso ang mga Katoliko. Thank God at through the months is nasagot ko na ito. And eto yung Article ko last January 2018 http://thesplendorofthechurch.com/2018/01/08/debosyon-sa-poong-nazareno-idolatriya-ba-sagot-sa-mga-anti-catholics-by-tom-diossua-balbalosa-banton/

I prayed a lot. Then there is a certain Call, when I am inside the Adoration Chapel. I know na nandun si Jesus na nangungusap sa akin. Naramdaman ko ang pagtawag nya na ipagtanggol ang Simbahan nya. Then I said “Yes, I will be your Servant.” But how? Paano ako magiging masigasig na tagapagtanggol ng pananampalataya? How can I be an Ideal Defender of the Faith?

Madali lang naman maging Defender, pero mahirap Magpaka Defender. Hindi ka naman tatawaging Defender kung nag Oppose ka lang. You need to have an Argument. So lets begin on the Article Proper. How to be an Ideal Catholic Faith Defender? #CFDstarterpack101

1) CONTROL YOUR EMOTIONS

Kasi minsan mga brothers and sisters nadadala tayo sa emosyon natin. Normal na yan na mag disagree sila sa sinasabi mo. Wag mo nang idamay ang mga personal na galit mo sa tao. Wag masyadong magpaka Hyper, remember you are in a discussion of Faith, Wala ka sa Palengke! Minsan din sa “Social Media”. Tandaan mo na “Simbahan” ang pangalan mo habang nakikipagdiskursyo, eh kung puro “foul words” ang ginagamit mo? Edi iisipin nila na ganyan ang tinuturo sa Simbahang Katolika diba? Live the Gospel nga ika nila. Nakasulat nga sa Banal na kasulatan (John 13:35 By this everyone will know that you are my disciples) kaya kalmahan mo lang. Kontrolin mo ang Emosyon mo. Wag mong dibdibin

2) HAVE YOUR BULLET

Anong Bullet ito? What I mean is may Baril ka nga? Wala ka namang Bala diba? Like, You have your Faith, You have the Truth, pero wala kang Research. Alam mo lang yung mga kataga without knowing the verses. Sayang lang. Nasa iyo na ang Katotohanan, pero nahihirapan lang tayo I explain ito. Ang Solusyon? Nag iisa lang. Mag RESEARCH! Hindi dapat tayo sumabak sa gyera ng walang mga Bala. Lahat ng mga Kailangan mong mga Document is I compile mo or magbasa ka sa “The Splendor of the Church” or any Articles from Legit Catholic Defenders. From this, marami kang maiipon na bala na magsisilbing iyong tatag.

3) BE A LIVING TESTIMONY

Let them feel how to be a Catholic. How your life is changed when you are in the True Church of Christ. The Church whose founder is Jesus Christ himself. Let them know how Mother Mary’s role on Salvation is very important. Be a Testimony. Sabi nga sa Banal na Kasulatan (Matthew 28:19 Therefore go, and make disciples of all nations). Dahil ang Katotohanan, hindi mo dapat yan ikinukubli, you need to share the Truth with others. Ipakita mo na naisasabuhay mo ang pagiging Tunay na Kristiyano.

4) BE FRIENDLY

So ayun nga, Be Friendly. Hindi mo naman siguro magagawa na maging “Living Testimony” kung wala naman may gustong makinig sayo. Be sure they have your Trust. Yung mga taong nakikita yung pagbabagong naidulot sayo ng Pagiging Katoliko mo. Ang mga kaibigan mong nalalapitan mo. Hindi naman sinabi ko na kaibiganin mo ang tao dahil gusto mo silang ma convert ah? What I mean is be friendly and open to all. Hindi yung magmumukmok ka sa isang lugar habang kupkop ang Katotohanang dala ng iyong pagiging Katoliko. Pati na rin yung mga Katoliko mong kaibigan “Make Good Catholics, be Better Catholics”.

5) INVITE THEM TO THE MASS

Ito yung pinakamahalaga sa lahat, ang maimbita mo sila sa Banal na Misa. Wala nang mas sasaya kung mayaya mo syang magsimba. Lalo na siguro kung mapa convert mo sya at matanggap nya ang Tinapay ng buhay (John 6:53 Truly, truly, I tell you, unless you eat the flesh and drink the blood of the Son of Man, you have no life in you). The Mass is very different from the way they worship God but there is something in the Mass that makes you feel homed. And mismong ako ang Testimonya nito.

6) THE FAMILY THAT PRAYS TOGETHER, STAY TOGETHER

Bago mo ma evangelize ang iba, siguro is umpisahan mo muna sa Pamilya mo. Di natin maiiwasan na may mga katanungan din sila about sa Catholic Faith na nananatili sa kanila na maging dahilan para makinig sila sa ibang sekta. Remember that the Family who is one in Faith is the strongest one. Be an Instrument of God para patatagin ang pananampalataya nila. Dahil sa huli, ang pamilya mo ang syang magiging tatag mo

7) PRAY, ACCEPT, BE READY AND BE EQUIPPED

Bilang mga Kristiyano, magdasal tayo sa Panginoon na gabayan tayo sa lahat ng oras sa pagshare ng Katotohanan (1 Tim 3:15 The Church of the Living God is the ground and Pillar of Truth). Then kung naramdaman mo na para ka nga sa pagtatanggol mo sa Pananampalataya, accept your mission with a humble heart. Be ready dahil kapag lumalapit ka kay Lord, lalong dadami ang problema mo, but the thing is you are a warrior and alam mo na hindi ka susuko kaagad. Be Eqquiped. Lahat ng sinabi ko sa article na ito nawa ay magamit mo. Lahat ng mga naexperience ko bilang tagapagtanggol ng Pananampalataya ay isinashare ko sa inyo ngayon at gayon din naman kayo. Alamin ang Pananampalataya. Know the Church.

8) UMATTEND NG FORMATION

Kasabay na to ng pagiging equipped warrior natin. We need to attend formation dahil tayo tayo ang magtutulungan. Mga tagapagtanggol ng Pananampalataya, (Ephesians 4:5 One Lord, One Faith, One Baptism). Maaaring makipag ugnayan sa inyong CFD CHAPTER, if you prayed and accept na maging Catholic Apologist

9) LIVE THE GOSPEL

Kung ano ano ang sinasabi mo, pero mismong ikaw hindi mo maisabuhay? Wag ganyan. Lets strive to be Holy. Look at the Saints, they are our models na sana ay magaya natin. Bakit noong sila nabubuhay pa ay nakakapagconvert sila? Because they are living in the Gospel. They are imperfect persons na nagtitiwala kay God kaya sila naging Holy. Ika nga nila, Be a Living Saint, Live the Gospel and Be a Defender.

Sana nakatulong ang Article na ito bilang mga Catholic Apologist. Napakalaking parangal sa akin na mabasa nyo itong Article na ito bilang pasimula sa inyong pagiging Mabuting Tagapagtanggol ng Pananampalatayang Katoliko. Don’t be afraid to make a difference. Kung tingin mo? Hindi na talaga kaya na maalis sila sa Heresiya na itinuro sa kanila ng kanilang mga Denominasyon? Don’t lose Hope. Nothing is impossible with God. Sabi nga ni Christ (Matthew 28:20 And instruct them to keep everything whatever I have commanded you, and behold, I am with you every day, even unto the end of time). Hanggat may oras pa? kaya pa natin silang iligtas. Tandaan nyo lang tong Starter Pack ng pagiging isang CATHOLIC FAITH DEFENDER.

“ as wherever Jesus Christ is, there is the Catholic Church” –St Ignatius of Antioch

Maraming Salamat sa inyo!
Praise be to Jesus!
Ad Majorem Dei Gloriam!
Pro Deo et Ecclesia!