Paalam sa kaibigang nauna ng lumisan. 

Paalam sa isang kasangga at naging tatay para sa akin sa lumipas na taon. Sa taong napaghingahan ko ng mga problema ko, napagbahaginan ng mga sikreto ko sa buhay.

Tunay na napakabait mo tatay Mar Domingo. Sa sobrang bait mo, ayaw mo kaming lahat na mag-alala sa’yo, kaya siguro mas pinili mong itago sa samin na may karamdaman ka palang iniinda.

Ako po, kasama lahat ng mga kaibigan at naging kaptid-kapatiran ko sa’yo noon ay labis na nalulungkot sa sinapit mo. Pero sa kabila ng lungkot ay ang kagalakan na makakapiling mo na ang Lumikha na buong puso, isip, salita at gawa mong pinaglingkuran.

Tama ka sa usapan natin d’yan sa chat natin tay. Na habang buhay kitang mahal at maalala.

3 taon na ng huli tayong nagkausap, umasa ako na magkikita tayo, pero hindi na natuloy yun, at hindi na matutuloy pa kasi wala kana. 

Labis ang pagkabigla at lungkot naming lahat na mga kaibigan mo sa CFD tay lalo na ang mga batang apologists na humahanga sa’yo. Sobra akong humahanga sa husay mo sa pakikipag diskurso. Nananatili kang kalmado kahit mabigat na ang diskusyon. Ang galing mo tay. Salamat sa pagiging mentor ko noon.

Paalam tatay Mar Domingo.

Isang Kapatid, kaibigan at tatay!

Condolence sa pamilyang naiwan mo at sa aming lahat na nagmamahal sa’yo.

Sa paraiso, magkikitang muli tayo.