I would just like to share my testimony, baka makatulong sa maraming kapwa kong Katoliko na challenged spiritually dahil sa mga statues that we have in church na siya ding ipinupukol sa atin ng mga INC, nila Soriano, mga born again pastors at kahit mga Muslim.

When I was in high school sa New Era po ako pinag-aral ng tatay ko. Iglesia po ang may ari ng New Era. Kada lunch time, may gawain po doon sa multi purpose hall, may manggagawa doon na nangangaral. Dahil karamihan na classmates ko INC, aakayin nila ako sa gawain para makinig.

Sa isang session, tinalakay yung mga rebulto. Sabi nung manggagawa di daw nasunod sa ten commandments ang mga Katoliko kasi dinadasalan daw natin hindi Diyos kundi dios-diosan.

Pag uwi ko tinignan ko yung mga rebulto namin sa bahay tapos sabi ko nga sa sarili ko, oo nga, bakit nga ba kami nagdarasal sa rebulto. Simula noon, di na ako sumasama sa mga activities naming mag pamilya sa block rosary, yung Sto. Niño ko nilipat ko sa kwarto ng parents ko.

Tinanong nila ako bakit nilipat ko sa room nila si Sto. Niño ko. Sabi ko di ko kaya na mag pray sa harap nito kasi alam ko naman na di si Jesus yun at rebulto lang. Di naman maalam si mama sa aral ng Katoliko kaya tinanggap niya na lang yung desisyon ko na alisin dun sa room ko yung image ni Sto. Niño kasabay na rin yung di ko na pagsama sa block rosary.

Hindi po ako nagpa convert sa INC. Di ko po kasi matanggap yung aral nila na tao lang su Jesus at hindi Diyos samantalang simple lang naman ang logic nun. Kung Diyos ang Ama, Diyos din ang Anak. Parang tao lang din. Kung Reyes ang ama, Reyes din ang anak. Kung tao ang magulang, tao din ang anak. Di pwede na maging unggoy o halaman ang anak ng tao. Pero dahil si Hesus ay anak ng Diyos at anak ng tao, Jesus is both man and God. Parang Amerikano ang ama, Filipina ang ina, yung bata ay both American and Filipino. Ganun lang yung simpleng logic ko.

Dahil sa seed of doubt na itinanim ng manggagawa, nagpalipat-lipat ako sa mga pentecostal at born again. Hindi rin ako nagpa bautismo. Hindi ko kasi ma gets yung worship nila at yung last supper nila. Hindi solemn yung worship nila parang nagko concert lang at yung last supper walang consecration kaya feeling ko walang kwenta. Lipat, lipat, walang katapusan na paglipat. Hanggang sa napagod ako.

Dun ko inisip na basahin ano nga ba ang nakasulat sa bible. May pangalan ba itong mga dios-diosan na sinasabi ni God na huwag nating sasambahin? Nalaman ko, oo may mga pangalan sila: si Baal, si Ashtoreth, Chemosh, Dagon, Molech at yung mga Egyptian gods.

Sabi ko sa sarili ko, di naman yan yung sinisimbolo ni Sto. Niño ko. Si Jesus. Di ko nga kilala yung mga dios-diosan na yan na nakasulat sa bible at right there and then, parang may natanggal na piring sa mata ko.

I went back to the Catholic church.

Ngayon pag may sumisira sa faith ko, I ask myself, tama ba yung sinasabi nito? I consult the bible and the Catechism.

I’m still learning more and more about my faith pero masaya ako kasi nakauwi na ako sa iglesia na itinatag ng Panginoon through St. Peter.

I am home.