Dating masigasig na INC ngayon ay nag-aaral ng Catholic Faith at isang CFD.

Ako’y bininyagang Katoliko, nahikayat ako nung May 10, 2011 sa isang pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo Ni Manalo 1914 na ai Felix Ysagun Manalo ay ang sugo DI UMANO ng Dios sa mga huling araw may binasang talata (Isaias 41:9-10; 43:5-6, Apocalipsis 7:2-3).

Nadoktrinahan, sinubok sa pagsamba at nabautismuhan ako sa Iglesia Ni Cristo Ni Manalo 1914 noong January 21, 2012 , naging masigla ako sa pagsamba, sa pagmimisyon sa INCM (Kahit sa loob ng simbahan nagmimisyon at namimigay ako ng polyeto at pasugo at laging kong sinasabi na ang INCM lang ang maliligtas Juan 10:7,9; Gawa 20:28 ni lamsa; Roma 16:16 ). Naging admin din ako ng dalawang inc fan page na IGLESIA NI CRISTO DEFENDERS at Wrong doctrines of the Catholic cult.

Nagbago ang lahat ng nagbasa ako sa Catholicdefenders2000.blogspot.com , mga CFD page, pakikinig kay Bro. Marco evangelista at tatang Larry Mallari, hindi madali sa akin tanggapin ang paliwanag tungkol sa rebulto , tunay na Iglesia ang Iglesia Katolika, di pag aasawa ng pari at pagbabawal kumain ng lamang kati , hindi 666 ang santo papa dahil tumatak na sa isipan ko araw araw na ang INCM lang ang maliligtas, pero pumasok din sa isipan ko “Bakit nga ba puro pilipino ang mga INC?” “Paano ba sinugo ng Dios si Felix manalo? kinausap ba siya ng anghel o kinausap mismo ng Dios gaya ni Joseph Smith?”, simula noon nagpasya akong alamin ang doktrina ng Santa Iglesia Katolika at iwan ang Iglesia Ni Cristo Ni Manalo 1914 noong 2015 …

Gusto ko pa sanang umattend ng mga monthly seminar ng CFD sa malibay, pasay pero dahil sa trabaho hindi ako maka attend, sana magkaroon din kami dito sa Taguig ng monthly seminar ng CFD ..

Ave Maria!
Viva Iglesia Katolika Apostolika Romana
Mabuhay Catholic Faith Defenders!