Agosto 29,2018 
SA LOOB NG BAKURAN NG KATEDRAL NG ANTIPOLO
By Fraul Castillo II

Ika-apat ng hapon. habang nagpapahinga ako sa mga upuan sa loob ng bakuran ng katedral napansin ko ang kumpol ng mga tulad kong kabataan na nakaupo rin at may hawak na mga notebook. Sa una pa lang nahalata ko na na hindi sila mga Katoliko kung kaya’t umupo ako malapit sa kanilang pwesto. Sa pag oobserba ko sa kanila napag alaman ko na nag memeeting sila with sharing, so hinayaan ko muna matapos ang meeting nila.
Nang matapos sila sa kanilang mga usapan nilapitan ko ang isa sa kanila at maayos kong tinanong kung anong pangkat sila.

AKO: Brother pwede magtanong?
BA1: Yes po!
AKO: Christian din kayo?
BA1; OPO! Kayo po?
‘AKO: YES! Christian 
AKO: May isa pa akong tanong. Curious lang ako. Anong denomination kayo?
BA1: PO? Ano po yun?
BA1: Anong sekta kayo ng relihiyon/
BA1: Born Again po.
AKO: Personal kong tanong ito. at hindi ako affiliated dito sa mga ministy dito sa katedral. Curious lang ako. Bakit sa bakuran ng iba kayo pumapasok para sa mga acivity o meeting nyo? Sarado po ba church nyo?
BA1: Ay hindi po. Dito po talaga kami nagmemeeting sa loobpara yung mga tambay dito ma recruit namin sa church namin.
AKO: Pero meeting at activity nyo yan sa grupo nyo, bakit kailangan sa loob at harapan pa ng Simbahan ng iba? Wag ka sana maooffend sa mga tanong ko curious lang ako bro/
BA1: Ah opo wala pong problema. 
Eh! napapansin po kase namin walang may concern sa mga kaluluwa ng mga naririto sa loob ng bakuran ng simbahan nyo, kaya kami na lang po ang gagawa.
AKO: Hindi natin pwedeng sabihin na walang may concern sa mga taong nandito sa paligid ng katedral, dun pa lang sa point na laging bukas ang simbahan, halos oras oras may Misa dito sa katedral isang malaking paraan na yun para sa maging aktibo at mapasigla ang ating Pananampalataya.
BA1: Eh! wala naman pong lumalapit sa kanila.
AKO: Bro hindi naman kailangan na sa lahat ng oras aasahan natin na tayo lagi ang masusunod. na magiging reklamador tayo at maging tamad na laging hihintayin natin na tayo pa lagi ang susuyuin.
Kailangaain din natin ng Work/gawa para mas maintindihan natin ang atig Faith.
BA1: Yun nga po eh. Hindi na natin kailangan gumawa ng kahit ano dahil Gift ni Lord sa atin ang Salvation.
AKO: Faith without work is dead. (James2:20)

AKO: Ganito brother may tanong ako sayo. Dati ka bang Katoliko?
BA1: Opo. pero Catholic pa rin naman po ako tsaka Born Again. hindi naman po mahalaga ang Religion. pWEDE NAMAN PONG HINDI NA LANG TAYO MAGSIMBA AT DAHIL NAIINTINDIHAN KO NAMAN PO MGA NAKASULAT SA BIBLE. hindi na po ko nagsisimba sa Catholic kase andaming bawal na ginagawa. kagaya ng rebulto at Ostia.

AKO; Brother kaya nga nagtayo si Kristo ng Simbahan para pagiwanan Nya ng otoridad sa Kanyang nga habilin,
Matthew 16:18-19
And I tell you, you are Peter, and on this rock I will build my church, and the powers of death shall not prevail against it. I will give you the keys of the kingdom of heaven, and whatever you bind on earth shall be bound in heaven, and whatever you loose on earth shall be loosed in heaven.

BA1; pero sabi po sa Mathew 28:20 Go therfore to all nation.

AKO1: Kapag gumagamit si Kristo ng mga talinhaga matapos nun ay tatawagin Nya ang mga apostol upang ipaliwanag sa kanila ang mga talinhaga.

BA1: eh bakit si Pablo sa mga si Timoteo at pumili sya ng mga tao na makakatuwang nya.?

AKO: Ikaw na nga nagsabi bro PUMILI lamang sya ng mga makakatuwang nya, hindi lahat dun isinama nya.

BA1: Eh bakit po naniniwala kayo na Real Body and Blood ni Kristo ang Ostia?
AKO: DAHIL SI KRISTO mismo ang nagsabi

MARK14:22-23
22 Habang kumakain sila, si Jesus ay dumampot ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, kanyang pinaghati-hati ang tinapay at iniabot sa mga alagad. Sinabi niya, “Kunin ninyo ito; ITO ANG AKING KATAWAN.” 23 Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos ay iniabot din niya iyon sa mga alagad, at uminom silang lahat. 24 Sinabi niya, “Ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa marami.

HINDI NYA SINABING ITO ANG SIMBOLO NG AKING KATAWAN.KUNDI ANG GINAMIT NI KRISTO AY “ITO ANG AKING KATAWAN”

BA1: Hindi literal yun kuya. hindi dapat kayo naniniwala dahil ordinaryong tinapay lang yun,

AKO: ANO ANG GINAWA NG MGA TAO MATAPOS SABIHIN NI KRISTO ITO:
Juan 6:50-51
[50]Narito ang tinapay na bumabâ mula sa langit upang ang sinumang kumain nito ay hindi na mamatay.
[51]Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan.”

BA!: ANO PO?

AKO! INIWAN NILA SI KRISTO 
JOHN 6:66 Mula noo’y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya.

HINDI NILA PINANIWALAAN AT NAGING MAHINA ANG KANILANG PANANAMPLATAYA NA SI KRISTO ANG TINAPAY NA NAGBIBIGAY BUHAY. NGAYON IKAW MAGIGING ISA KA RIN BA SA MANG IIWAN KAY KRISTO AT ITUTURING NA SIMBOLO LAMANG ANG KATAWAN NA INAALAY NI KRISTO?

BA1: TUMAHIMIK SANDALI.
BA1: BROTHER ISANG TANONG NA LANG PO ANO PO ANG PARAAN PARA MAGKARON KA NG BUHAY NA WALANG HANGGAN?

AKO: SA PAMAMAGITAN NG EUKARISTIYA. ANG OSTIA NA TINATANGGAP NATIN AY SI KRISTO NA NAGBIBIGAY BUHAY.
JOHN 6: 50
50 Narito ang tinapay na bumabâ mula sa langit upang ang sinumang kumain nito ay hindi na mamatay. 51 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay na ibibigay ko upang mabuhay ang sanlibutan ay ang aking laman.”

MARK 14:22-24
22 Habang kumakain sila, si Jesus ay dumampot ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, kanyang pinaghati-hati ang tinapay at iniabot sa mga alagad. Sinabi niya, “Kunin ninyo ito; ITO ANG AKING KATAWAN.” 23 Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos ay iniabot din niya iyon sa mga alagad, at uminom silang lahat. 24 Sinabi niya, “Ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa marami.marami.

DAHIL SA HALOS ALAS 8 NG GABI AY TINAPOS NA MUNA NAMIN ANG USAPAN AT MAAYOS NA NAGKAMAYAN. NGUNIT MARAHIL HINDI IYON ANG MAGIGING HULING TANUNGAN AT PALIWANAGAN NAMIN DAHIL TILA MARAMI PANG TANONG NA GUSTO NYANG MABIGYAN NG KAHIT PAPANO NG KASAGUTAN AT LINAW.

Marahil sa kanilang panig ay naging bastos o hindi kanais nais na lapitan ko sila at kwestyunin sa kanilang katatapos lamang na ginawang meeting sa loob ng bakuran natin (Katoliko)
pero hindi ko hahayaan na ang LUGAR NA ITINUTURING NATIN NA BANAL ay gamitan nila ng hindi tamang PARAAN.

PRO DEO ET ECCLESIA!