Sunod-sunod na parokya na ang tumatanggap sa Catholic Faith Defenders sa loob at labas ng Kalakhang Maynila.

Kamakailan lamang ay isang parokya ang nagbukas ng pintuan sa CFD sa Luzon sa pagsisikap ni John Rey Lumagui (tignan: http://thesplendorofthechurch.com/2018/11/30/cfd-chapters-sa-luzon-patuloy-na-dumarami/ ), ngunit hindi pa man lumilipas ang isang buwan ay isa nanamang parokya ang nag paunlak sa CFD.

Walang patumpik tumpik ay nagpasimula na agad ang Formation sa Christ the King Parish: Shrine of the Youth sa pangunguna ni Fr. Abe Arganiosa, Spiritual Adviser ng CFD Luzon katuwang sina Bro. Bien Agabin, CFD Quezon City President at Bro. Edwin Eborda, Jr., CFD QC Vice President. Hindi rin nawala ang presensya ng lumalagong CFD Tandang Sora Chapter (tignan: http://thesplendorofthechurch.com/2018/06/17/the-rise-of-cfd-qc-tandang-sora-chapter-by-bro-bien-agabin-cfd-quezon-city-president/ ).

Sa nasabing Formation ay naghalal na din ang mga mamumuno sa bagong tayong CFD Chapter, ang CFD Kristong Hari Parish.

Sa darating na 2019 ay magkakaroon ng regular na formation ang bagong CFD Chapter na ito na pamumunuan ng bagong halal na pangulo nito na si Bro. Edwin Eborda, Jr.

-ulat ni Brodie Lex

Bro. Edwin B. Eborda, Jr., Newly Elected President of CFD Kristong Hari

Bro. Edwin with Fr. Abe