Ako si Camille Martinez, 29 y/o, at pinanganak na Katoliko. Ako siguro yungmasasabi na (para sa akin), “katoliko” sa pangalan pero hindi sa gawa. Nagsisimba…okay..simba..pero walang nagbabago. Wala akong alam sa mga santo kahit na naririnig ko yung pangalan nila. Sabi ko, para saan sila? bakit binibigyan ng halaga? bakit ang daming tawag kay Mama Mary eh iisa lang naman siya. Ang ginagawa ko ay nagdadasal lang ako kay Hesu Kristo at tama naman iyon. Bakit din may rosaryo? Bakit nga ba dala ko ito palagi? Dala ko yun pero parang..para sa gabayan ako..parang ganoon. Pero sa pagkakatanda ko, noong may nagsabi sakin na, kung nasa puso mo ang Panginoon, bakit pa kailangan ng rosaryo at naisip ko, oo nga naman.. bakit may mga larawan din. Kahit ang dami kong katanungan, nagdadasal pa din ako sa Panginoon pero sa loob loob ko, parang..hindi ako katoliko. May mababaw din akong relasyon ko sa Panginoon.

Plano ko magtrabaho sa ibang bansa noong nakaraang taon pero tumagal yung pag-aaral ko ng ilang buwan hanggang dumating yung araw na nagkasakit ang isang miyembro ng aming pamilya (at naniniwala ako na may rason kung bakit yun nangyari).Dahil doon, nagdesisyon ako na dito na lang muna sa Pilipinas hanggang sanaka-attend ako ng Basic Bible Seminar 1 sa Our Lady of Light Parish at kalaulan naging miyembro ng Catholic Faith Defenders (CFD). Sa pagsali ko sa CFD, doon nasagot ang mga tanong ko, lumawak at patuloy na lumalawak pa ang kaalaman ko sa Simbahang Katolika at kasabay noon ay ang paglalim ng  pananampalataya ko sa Diyos. Napapahalagahan ko na din ang mga santo, na sila ay katulad natin na tao din na tumugon sa tawag ng Panginoon at nabuhay sa kabanalan. Nalaman ko din na ang layunin sabuhay ng tao ay maging santo. Siguro masasabi ng iba na, “anu ba yan! santo talaga?!” Oo, mamuhay sa kabanalan, magamit ang kakayahan na binigay ng Panginoon, maging totoo sa sarili at ipakita ang kahinaan pero gamitin ito para ito aymaging kalakasan, patuloy na pakinggan at sagutin ang tawag ng Panginoon. Yun ang kagustuhan ng Panginoon sa atin, yun ang “God’s will”.  “Maging mabait” o “mahalin ang kapwa (pati angmga tao na hindi maganda ang trato sayo), simple pero mahirap, pero minsan angsimpleng paraan ay siyang solusyon sa problema. Sabi ng isang pari sa talk niya tungkol sa paano magiging santo, “Ang pagiging banal, mahirap pero posible”. Alam ng Panginoon ang kahinaan natin pero wag nating hayaang maging hadlang angkahinaan para hindi natin magawa ang mga bagay na kaya natin o kung saan tayomalakas.

Si St. These of the Child Jesus, mababaw ang luha niya (katulad ko..hehe) at madali siyang masaktan sa emosyonal na aspeto noong kabataan niya. Nagpursigi siya napumasok sa monasteryo (Carmel ng Lisieux) at nangyari yun sa edad na 15. Hindi naging hadlang ang pamamalagi Niya sa loob para hindi makagawa ng kabutihan sa kapwa. Minahal niya ang Panginoon ng buong puso na kahit sa maliliit niyanggawa at sa paghihirap niya ay inaalay niya sa Sakanya. Mahirap maging banal pero posible. Madapa man ako sa pagkakasala ang importante ay patuloy nalumapit sa Panginoon, humingi ng tawad, mangumpisal at sikapin ulit na magingmabuti. Patuloy po akong nagsusumikap, sa totoo lang po at alam ko po namakasalanan po ako pero alam ko nakikita ng Panginoon ang ating pagsisikap atpaghihirap. Mapagmahal Siya at maawain.

Nagpapasalamatako sa Caholic Faith Defenders, kay Fr. Abe, Atty. Marwil at sa mga miyembro nito, sa mga kaalaman na binibigay nila at sa oras na inilalaan nila paraipalaganap ang katotohanan at sa mga tao na gustong palalimin ang kaalaman sa Simbahang Katolika.

Kung mahal natin ang Panginoon, na may tatlong persona, mahalin din natin ang mga tao at bagay na mahal nila, katulad ng ating Mahal na Ina na si Maria, ang mga santo na nasa langit (canonized man o hindi), mga kaluluwa nasa purgatoryo atmga katuruan ng simbahan.

Kung may katanungan sa Simbahang Katolika, wag kang lumayo at umalis, bagkus ito angmaging rason para mas palawakin ang kaalaman sa Simbahan at palalimin ang pananampalataya sa Diyos.

Pro Deo Et Ecclesia!