Randy Louis Obusan ·  

“Mayroon bang DIYOS INA”?

Kaninang tanghali habang ako ay naglalakad sa may Gilid ng Hospital sa Perpetual papuntang ng Times para dun kumain. Ay biglang may isang lalaki ang Nagtanong sa akin. 

Siya: Sir. Ano pong Religion niyo?

Ako: Roman Catholic Christian po.

Siya: Sir, Naniniwala po ba kayo na may DIYOS INA?

Ako: Ina ng Diyos mayroon ang Birheng Maria at alam mo ba ang ibig sabihin ng “Theotokos”?

Siya: Sir, alam naman po namin na si Maria ay Ina ni Hesus. Pero di ko ho alam ang Ibig sabihin ng sinabi niyo na yan….
Pero Brother may papabasa ako sa iyo sa Galacia 4:26.
Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ating INA..
Brother nakalagay po diyan INA.. So mayroon DIYOS INA talaga.

Ako: Bro ang Heavenly Jerusalem ay ang Church hindi pwedeng Diyos Ina yan kasi New Jerusalem ay Bride of Christ. Revelation 21:2. Mary the Mother of Jesus is not God, But a Human being. Ang Heavenly Jerusalem naman ay the Church The Bride of Christ. Ephesians 5:22-33.

Siya: (Medyo di magets yung sinasabi ko, kaya biglang nagsabi siya..)
Bakit kayong mga Katoliko ay Sinasamba si Maria?

Ako: Unang una po hindi namin kailan man Sinamba si Maria, Dahil si Maria ay aming Ginagalang at Minamahal.😊
Nasa Luke 1:48 na All Generation shall call him Blessed.. At sa Romans 14:18 na lahat ng likod kay Cristo ay Kinalulugdan ng Diyos at Ginagalang ng mga Tao. Si Maria ba Kinalulugdan ba ng Diyos? Luke 1:28.

Siya: Eh bakit niyo naman Sinasamba ang mga Rebulto?

Ako: Unang una po hindi kailanman tinuro ng Simbahang Katolika na Sambahin ang mga Rebulto. Tingan mo mula Umpisa hanggang Matapos ang Misa wala kang maririnig na sinabi namin na Sambahin ang mga Rebulto.
Sa Isaiah 19:19 ang Diyos ay Pinarangalan sa Isang Haliging Bato..
Anong Sama dun????
Ang mga Rebulto o Imahen ay Paalala lang sa amin at hindi namin ito Sinasamba.

Siya: So ano ba ang Dapat Sundin Bible o Church?

Ako: (Binalik ko sa kanya ang Tanong..)
Ano ang syang Haligi at Saligan ng Katotohanan?
Bible o Church?

Siya: Aba Syempre ang Bible..

Ako: Basahin mo ang 1 Timothy 3:15..

Siya: (Medyo natahimik nung Mabasa…. Siguro nagiisip na naman ng Bagong maibabato.😂)
At bakit ba naman kayo nagpapaniwala sa mga Pari niyo?

Ako: Sabi sa Malakias 2:7 na ang Pari ang Dapat Sanguniin.
At si Hesus mismo ay isang Pari. Hebreo 4:14-16..

Siya: Ahh Sige. Salamat sa iyong Time. Ito nga pala ang aming pamphlet kung gusto mo Basahin.. (Ito Yung Pamphlet na Ipost ko ngayon).😊

At pagbalik ko pagkatapos ko kumain para Pumasok na sa sunod kong klase ay Nawala na siya Bigla.😂😁

#Pro_Deo_Et_Ecclesia — feeling positive.